Kanina pa tahimik si Darren habang nasa biyahe sila. Kasama niya sa panghulihang bahagi ng kotse si Aling Perla na maaga raw umuwi galing day off dahil tinawagan ito ni Renzo na isasama sa family outing na iyon. Ang abogado ang nagmamaneho, katabi nito si Kyle na kanlong ni Claire. Hindi kababakasan si Renzo na naalala nito ang nangyari kagabi bagay na pinagpasalamat niya. Sinasali pa nga siya nito sa usapan. Kinukuha ang pananaw niya sa mga bagay-bagay dahil maging ang usaping pulitika ay topic na nila para hindi lang mabagot sa biyahe. At tipid lang ang mga sagot niya. Sa isang sikat na Picnic Grove ang punta nila, hindi kalayuan sa siyudad. Hindi na nag abala pang magdala ng pagkain ang mag ex-partner dahil may Restaurant naman daw sa kanilang pupuntahan. May tatlong oras pa marahil