Chapter Twenty-eight

946 Words

Nanginginig ang katawan ni Darren. Nasa kamay na nila ngayon ang final result ng kanilang test. Takot siya. Paano kung sa rapid test Non-Reactive siya tapos positibo sa final test? Tumitig siya kay Renzo. Kampante ang mukha nito. Hindi kababakasan ng pagkabahala. Hinawakan pa siya sa kamay at pinisil siya iyon. Tila ba pinalalakas ang loob niya. "Hindi ko kayang basahin, Renzo," aniya pinasa ang papel sa kamay nito. Tumayo siya. Pumunta sa kusina. Uminom siya ng tubig kahit hindi naman nauuhaw. Gusto lang niya kumalma. Ngunit hindi pa rin epektibo ang paraan niyang iyon dahil hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagpintig ng puso niya. Naramdaman na lang niya na buhat sa likuran ay niyakap siya ni Renzo na sinundan siya doon sa kusina. Kinintalan nito ng mabining halik ang kanyang leeg.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD