Naghawian ang mga estudyante habang naglalakad si Darren sa pasilyo ng Psychology building. Hindi pa tapos ang issue tungkol sa kanya saa University. Laman pa rin siya ng usap-usapan ng mga estudyante. Hindi na niya siguro mababago ang pananaw ng mga kapwa estudyante sa kanya. Sa paniniwala ng mga ito ay positibo siya sa HIV-AIDS. Wala na siyang magagawa sa bagay na iyon. Isa pa wala siyang dapat ipaliwanag. At mas lalong hindi siya dapat maapektuhan. Hindi naman nakasalalay sa mga ito ang kaligayahan niya. Siguro isa rin sa mga dahilaan kayaa hindi humuhupa ang issue ay dahil kapapanaw lang ni Ken. Marami silang nakipaglibing. Tinuring ng mga ito na isang inspirasyon si Ken dahil sa matapang na pagharap ng sakit nito at pag-amin sa mga nagng kasalanan nito. Ayaw na niya magprotesta sa ba