BULLYING Ang bullying ay sakit na ng lipunan na wala na yatang lunas. Tinatanggap at parte na ng buhay ng mga tao sa pang-araw-araw. Hindi nga ba't sa tuwing nakakasaksi ka ng taong inaapi, binubugbog, kinakawawa ay pinagkikibit-balikat mo lang? Rason mo, hindi mo naman buhay 'yan. Kung madadaanan mo ay deretso lakad ka lang. Minsan ikaw pa ang taga-ugyok at tuwang-tuwa na nakikimiron. Pwede niyong gamitin ang gasgas na kasabihan na; 'Walang naapi kung walang nagpapaapi'. Maaring tama ka sa opinyon mong 'yan. Pero minsan ba pumasok sa iyong isipan na walang may kagustuhan na maapi? Maari na wala lang silang lakas o beses laban sa mas makapangyarihan? Pwede rin na umiiwas lang sa gulo at ayaw ng palalain ang lahat. Ano ba ang mga bully? Sila iyong tuwang-tuwa kapag may napapaiyak o inaa