Hindi mapkali si Darren habang nasa labas ng delivery room. Abot-abot ang kaba niya. Limang oras ng nasa loob si Anne. Baka nahirapan ito sa panganganak. Kasama rin niya ang magulang nito na tulad niya ay kanina pa paroo't-parito. Hindi sila makapaniwala na manganganak na si Anne. Ni hindi nga nila alam kung na buntis ito. Nagulat na lang siya nang magkita sila kaninang umaga sa isang coffe shop ay biglang itong napangiwi sa sakit at laking gulat niya na lang na may tumulong dugo binti nito. Doon na nito pinagtapat na buntis siya at due date na. Nagulat siya. Walang ka ideya na buntis ito lalo na at wala naman itong ikinuwento sa kanya. Hindi naman niya akalain na maglilihim ito sa kanya. Natuliro pa siya kanina sa coffe shop mabuti na lang at may mabubuting loob doon na tinulungan sila