Nagising si Darren nang tila may humihila ng kanyang bag. Ganap na nagising ang kanyang diwa nang makita ang pulubi na humihila sa bag niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nakipaghilahin siya dito dahilan upang malaglag ang kanyang mula sa bag. Kumurap lang yata siya at ayun tumakbo na ang pulubi tangay ang kanyang cellphone. Kinakabahan na hinalungkat niya ang laman ng bag niya. Natatakot na siya na baka pati ng ang ang wala niya doon ay tinangay na ng pulubing magnanakaw. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang buo naman ang kanyang pera at wala naman may nawala. Ito ang unang pagkakataon na nanakawan siya at harap-harapan pa kaya ganoon na lang ang pagkabog ng husto ng kanyang dibdib. Pero pasalamat siya na cellphone lang ang kinuha sa kanya. Kung sabagay mabuti na rin iyon para