Hindi alam ni Darren kung ano ang mararamdaman habang pinapanood ang interview ni Ken sa isang inspirational show ng hindi gaanong kakilalang network. Replay na lang iyon. Nagtrending ito. Hinangaan dahil sa matapang na pag-amin ng pagkakaroon ng ganoong sakit. Sumikat ba ang hashtag na Be Strong Ken. Hindi siya makapaniwala na nagsilbi pa ngayon inspirasyon ang buhay ni Ken. Marami ng nanawaan sa social media sa pagsugpo ng bullying sa mga HIV patients. Naging bayani pa ito ngayon? Sino ba ang ang bully? 'Di ba si Ken rin mismo? Hindi niya alam kung totoo ba sa loob ang pag-iyak ni Ken sa telebisyon. Kung totoo bang nagsisisi na ito sa mga kamaliang nagawa. Gusto niyang paniwalaan ang mga luha nito. Pero nagdududa siya sa sensiridad nito lalo na't sa huling pag-uusap nila ay nagbanta pa