Tinanggal ni Darren ang kamay ni Renzo nang yakapin siya nito. Bumiling sita patalikod dito. Magkatabi silang nakahiga sa kama nito. "What's wrong?" tanong ni Renzo na sinampay ang panga sa kanyang balikat. Pinahirap siya nito. Magtatangka sanang halikan siya sa labi ngunit muli na naman siyang umiwas. Bumuntong-hininga siya. Bumangon. Sinuot ang kanyang T-shirt. Pinilit niyang maging blangko ang mukha habang inilalagay ang ilang damit sa kanyang bag. May mga damit na kasi siyang nadala doon sa Condo ng kasintahan. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Bumangon si Renzo. Nakakunot-noo. "I'm sorry but I'm b-breaking up with you," Mahina lang ang boses niya pero binigay niya ang buong lakas masambit lang ang mga katagang iyon. "What?!" Hindi siya makasagot. Nagpatuloy lang siya sa pag-e-empake.