Azariah Gadelle Galvado's POV "BYE, mom!" Paalam ko sa ina kong nasa kusina habang nagbe-bake dahil darating daw ang mga kumare niya. "Mag-iingat ka, Riah. At umuwi ng maaga, okay?" "Yes, mom!" Lumabas ako ng bahay namin at nakita kong nasa tabi na ng aming sasakyan si Mang Pedro. Siya ang taga-hatid sundo ko sa school. "Magandang umaga, Mang Pedro! Halika na po," ani ko habang pumapasok sa loob ng sasakyan. Isang ngiti ang tinugon niya sakin. Nang makaupo ng maayos ay tsaka ko inilabas ang cellphone ko. Tiningnan ko kung may text si Czarina at napangiti nga ako nang mabuksan ang mensahe niya. From: Bessy :) Where are you? I miss you. Waiting here at gym. See you! Bestfriend ko si Czarina since elementary days. Hindi kami mapaghiwalay dalawa. Ang iba naming mga kaklase ay