Azariah's POV Namamawis ang mga palad ko habang hinihintay sila mommy dito sa sala ng bahay namin. Maaga kaming pumunta rito dahil iyon ang kasunduan ni Kuya at Gunner daw. Ni wala akong alam sa kung ano talaga ang nangyayari sa paligid ko. Parang umiikot ang paningin ko sa kawalan. Ipina-akyat ko na muna si Zelle kay Bea sa kwarto ko. Habang kami ni Gunner ay magkatabi sa mahabang sofa. Ang ilan niyang tauhan ay nasa labas na mukhang mga nagbabantay. Napalunok ako nang makita si mommy na pababa ng hagdan. Inaalalayan siya ni Kuya at parehas lamang silang seryoso habang nakatingin sa amin. Naramdaman ko ang paghawak ni Gunner sa isa kong kamay, tatanggalin ko sana iyon pero hinigpitan niya ang pagkakahawak. Napatingin ako sa kanya ng masama pero madilim lamang ang mga mata niya.