Azariah's POV Halos kalahating oras ang naging biyahe namin sa himpapawid bago kami nakarating dito sa islang pagmamay-ari ni Gustavo. Nang lumapag ang chopper namin sa malawak na lupain ay hindi na magkamayaw ang mga mata ko sa pag-gala. Ang mga mata ko ay nasa bintana kung saan tanaw ang puting buhangin at ang asul na asul na dagat na ang gaan pagmasdan. Naunang bumaba si Gunner mula sa chopper bago ako sumunod. Akala ko ay kukunin niya ang isa kong kamay pero nabigla ako nang sakupin ng dalawa niyang kamay ang maliit kong beywang. Binuhat ako pababa at marahan na lumapag ang mga paa ko sa lupa. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. Nang tingalain ko siya ay seryoso lang siyang nakatingin sa mga tauhan niya na ngayon ay papalapit sa amin. Natanaw ko rin ang isang malaking bahay sa hi