Azariah's POV Sa gabi ring iyon dumating ang panibagong chopper. Si Gustavo kasama ang isa niyang bodyguard na isang babae. Gusto kong mailing sa kanilang dalawa dahil simula nung dumating sila kanina rito ay hindi na natapos-tapos ang bangayan nilang dalawa. Para silang mga bata na nag-aaway dahil lang sa simpleng bagay. "Ang liit-liit mo, baka ikaw pa ang ipagtanggol ko sa mga magtatangka sa buhay ko! Ni hindi ko nga alam kung bakit kinuha kang bodyguard ng magulang ko 'gayong kaya ko namang protektahan ang sarili ko o baka naman... type mo ko?" Nakangising saad ni Gustavo sa babae na ngayon ay namumula na ang mukha sa sobrang inis. Kahit siguro ako ang nasa katayuan niya ay mauubos ang pasensya kung ganyan kakapal ang mukha ng kausap ko. "In your dreams, Gustavo Mondego!