Azariah's POV Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili habang hinihintay niya ang sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam ko ang kakayahan niya pero hindi maisip na masasaksihan ko ang pangyayaring iyon. Binabalot ng kaba at takot ang dibdib ko. "Baby... I'm asking you..." Napatingin ako sa mga mata niya pero ang pumapasok sa utak ko ay ang pangyayaring nasaksihan ko. Nararamdaman ko na naman ang panginginig ng mga kamay ko. Pinagsalikop ko iyon at sinubukang huwag ipahalata sa kanya pero mukhang magaling siya makaramdam. Napatingin siya sa mga kamay ko na agad kong itinago. "W-wala! Hinahanap k-kita kaya lang si K-kuya Jerry ang n-nakasalubong ko," umangat ang mga mata niya sa akin at alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. K