Azariah’s POV Hindi ako mapakali kaya’t sa harap ng hapagkainan ay halos nakatulala lamang ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag si Deangelo para kumpirmahin kung ano na ang lagay ni mommy at kuya. Sa narinig ko mula kay Gunner ay kahit ako mismo ay gustong sumang-ayon sa sinabi niya na napaka-imposible na may maka-survive sa pagbagsak ng eroplano, pero wala namang masama na umasa ako hindi ba? Hindi naman masama na hilingin ko na nasa maayos sila ngayon at gumagawa rin ng paraan para matawagan ako at sabihing okay lang sila. Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip ang lagay nila. Hindi ko maawat ang sarili ko sa sobrang pag-aalala lalo na at wala na kaming ibang balita tungkol sa kanila. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Gunner sa isa kong kamay. Hinawakan niya ng m