Azariah's POV Nagising ako kinabukasan na nasa malamig na sahig. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Magulo at makalat. Natulala ako ng ilang segundo nang maalala ko kagabi ang nangyari. Nakagat ko ang ibabang labi. Kumikirot ang dibdib ko kung paano ko pinagbintangan si Gunner. Maling-mali ako sa ginawa ko dahil wala naman akong ebidensya na makakapagturo na siya ang gumawa ng bagay na 'yun kila mommy. Napahilamos ako sa mukha ko at sinulyapan ang crib. Wala na roon si Zelle. Taranta akong tumayo mula sa pagkakahiga sa sahig. Mabilis akong lumabas ng kwarto at tumungo sa sala. Wala akong nakitang kahit na sino kaya't dumiretso ako sa kusina. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Bea at Zelle. Pinapakain nan i Bea si Zelle ng cerelac. Tamad akong pumunta sa ref at binuksan iy