Azariah’s POV Ang hideout na sinasabi ni Gunner ay ang dati ko na palang napuntahan. Dinala na niya ako noon dito pero hindi ko ito ganoon nabigyan ng pansin dahil nga okupado ang utak ko noon sa mga taong pumatay sa kinilala kong ina noon na si Manang Roseta. Itinulak ni Gunner ang pader at kusa na itong bumukas. Karga niya si Zelle at hinawakan naman niya ang isa kong kamay at iginiya para pumasok. Ang ilan niyang tauhan ay nakabuntot naman sa aming likuran. Tinahak namin ang isang pasilyo na medyo makipot at sa bawat hakbang namin ay bumubukas ang mga ilaw na nakasabit sa pader. Para itong mga kandila sa unang tingin. Hanggang sa nakarating kami sa pinakadulo kung saan isang may kalakihang pinto ang bumungad sa amin at nasa magkabila nitong gilid ay ang dalawang lalaki- mg