Azariah's POV Agad kong pinahid ang luhang kumawala sa mga mata ko. Inayos ko rin ang sarili ko at muling bumalik sa harap ng mga nakahilerang baril. Umalis na si Kuya Jerry pero ang dibdib ko ay hindi pa rin kumakalma. Pakiramdam ko ay sasabog ito sa galit. Hindi ko rin maintindihan kung bakit inako ni Gunner ang ginawang pagpatay ni Roy kay Inay Roseta. Wala akong mahanap na dahilan para akuin niya ang bagay na 'yon dahil bakit niya aakuin ang kasalanang ginawa ni Roy, tulad ng sabi ni Kuya Jerry ay galit si Gunner kay Roy dahil sa pagbenta nito sakin. Naaalala ko na iyon ang unang pagkakataon na nakita ko si Gunner ng mga panahong nawalan ako ng memorya. Siya ang nagligtas sakin mula sa intsik na 'yon at doon na nagsimula ang lahat sa amin. Napapikit ako at nanginginig na kinuha ang