Gulat ang nababasa ko sa mga mata niya nang makita ako. Samantalang ang babae nama'y tila walang pakialam sa presensya ko, todo kapit pa rin sa batok niya at pilit siyang hinahalikan. Nabitin ata. "R-riah.." Yea, it's me. Riah. "Cr 'to ng mga babae, Van. At bawal yang ginagawa nyo dito." Sabi ko habang umiiling-iling. Ang babae ay walang humpay sa paghila kay Van, tila lasing pa ito sa klase ng kilos nya. "Paalis narin kami. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" "Obviously, nag-pee." Sagot ko habang inaayos ang buhok sa harap ng salamin nang hindi sya sinu-sulyapan. "No, I mean sa lugar na ito." "I'm invited. Sige, mauna na ako sa inyo." Tinapunan ko lang sila ng sulyap at dire-diretsong lumabas ng comfort room. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa hallway na ako papunta sa party. Pero dahi