Azariah's POV WALANG HUMPAY sa pagtulo ang mga luha ko habang nasa likod ng likod ng sasakyan at tinatanaw ang mansion. Nasa driver seat si Deangelo at nasa shotgun seat naman si Kuya Jerry. Sila ang maghahatid sa akin pabalik sa mga magulang ko. Sa pag-alis namin sa mansion ay ni hindi ko na nakita ang anino ni Gunner. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong patotohanan niya lahat ng mga sinabi niya. Hindi ako naniniwalang kaya niyang gawin ang pumatay. Hindi siya ganoon. Hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Umayos ako ng upo at tulalang nakatingin lamang sa labas ng bintana habang nasa biyahe kami. Nararamdaman ko ang panaka-nakang pagsulyap ni Deangelo sa akin mula sa salamin pero hindi ko siya pinapansin. Ayoko ng kausap ngayon. Parang sasabog ang dibdib ko sa halo-halong mga