Gunner Mondego and Azariah Gadelle Galvado HABANG-BUHAY NA PAGKAKAKULONG ang ipinalabas namin sa media pero ang totoo ay sampung taon lang akong makukulong. Gusto kong pagbayaran ko ang ginawa kong kasamaan sa babaeng mahal na mahal ko. Ang Kuya lang naman niya ang nagsampa ng kaso laban sa akin na tinanggap ko pero pinalabas ko na patong-patong ang kaso ko, kasama ang kay Manang Roseta at Roy. Pati na rin sa limang tarantadong lalaki na pumatay sa kapatid ko pero walang katotohanan lahat ng iyon ay dahil gusto kong kamuhian ako ni Azariah. Gusto kong iwasan niya ako at kalimutan na dahil alam ko sa sarili kong wala akong karapatan na maging akin siya. Wala akong kwentang tao. Isa akong kriminal na kailanman ay hindi babagay sa katulad niyang isang anghel. Isang kr