Azariah's POV WALA PANG PASSPORT si Zelle kaya kinailangan ko pang ayusin para makauwi na kami sa Pilipinas. Habang sila Kuya at mommy ay inaasikaso ang lahat ng mga kailangan para maiuwi namin si daddy. Ang alam ko matagal ang proseso 'nun pero dahil alam kong may mga koneksyon din si Kuya ay one week lang ang hihintayin namin para maging maayos lahat at sabay-sabay kaming makauwi. Nasa kwarto ako at inaayos ang mga gamit naming mag-ina, alam kong hindi kami magtatagal sa Pilipinas kaya kaunti lang ang nilalagay kong damit ko sa maleta. Mas marami ang gamit ni Zelle bukod sa mga feeding bottle niya ay ang gatas pa niya, mga vitamins, at tambak na damit. Hindi pwedeng kaunti lang ang dalhin kong damit niya dahil maya't maya namin siyang pinapalitan ng damit. Pawisin siya mas