Azariah's POV TATLONG ARAW LAMANG naming ibinurol si daddy. Marami ang nakiramay at nakipaglibing, isa na rito ang magpi-pinsan na Mondego. Nakatayo pa ako sa harap ng puntod ni daddy habang si Zelle ay buhat ni Gustavo, nasa likod ko sila at kasama niya ang iba pa niyang mga pinsan. Si Kuya ay hinatid si mommy sa sasakyan dahil baka hindi na nito makaya ang sobrang pag-iyak. Ang ibang mga tao ay unti-unti na rin nag-aalisan. Nakatitig lamang ako sa pangalan na nakaukit sa lapida ni daddy. Sobrang mamimiss kita, dad... Bulong ko sa hangin bago humarap sa magpi-pinsan. Muntik na akong matawa nang makita si Gustavo at Zelle. Sobrang laki ng mga bisig ni Gustavo at nagmukhang dwende ang anak ko. Ngumiti agad sa akin si Zelle nang makita ako. Nilapitan ko siya at kinuha sa Tito niy