Azariah's POV NAKARATING KAMI SA mansion ng mga magulang ni Gunner. Nang makapasok ang sasakyan namin sa gate ay muling bumalik sa akin lahat ng alaala namin ni Czarina. Madalas akong mamasyal dito sa kanila pagkatapos ng klase namin. Lahat ng iyon ay babaunin ko nalang sa puso ko bilang isa sa magagandang alaala namin. Napatingin ako kay Zelle nang gumalaw ito at imulat ang mga mata. Napangiti ako nang makita ang magaganda niyang mata. Para akong nakikipagtitigan sa ama niya. Napailing ako at iniupo siya sa kandungan ko. "Where are we, Zelle? We're going to see your Lolo and Lola," nakangiti kong kausap sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at pumalakpak na akala mong naiintindihan ang sinasabi ko. Ipinarada ni Deangelo sa mismong tapat ng mansion ang sasakyan niya. Nilingon ko siya at