Gunner Mondego & Azariah Gadelle Galvado NANG MALAMAN KO na nakauwi na si Azariah ay agad kong ipina-asikaso kay daddy at Mr. Sebastian ang kaso ko. Maski si Aaron Gadee Galvado na Kuya ni Azariah ay tinawagan nila para makausap. Kayang-kaya kong balewalain ang isinampang kaso ng Kuya ni Azariah dahil sa lawak ng koneksyon na mayroon kami, pero hindi ko ginawa dahil gusto kong patunayan sa pamilya ng babaeng mahal ko na nagsisisi ako sa ginawa ko. Ngunit iba ngayon na umuwi na siya, hindi ko na kaya ang pagtitiis, hindi ko na kayang hindi siya makita. "Anong kailangan n'yo?" Bungad sa amin ni Aaron. Kaharap niya ako, ang daddy, at si Mr. Sebastian. "Gusto ka naming kausapin para iurong na ang kaso laban kay Gunner. Alam nating lahat na kailangan ni Azariah si Gunner ngayo