Riah's POV Dalawang araw na ang lumipas simula nang matapos ang usapan namin ni Gunner. Dobleng takot ang nararamdaman ko sa tuwing kami ay nagkakasalubong o nagkakasama sa isang kwarto. Dahil ang tingin ko kay Gunner ay isang baliw. Na kapag galit o kahit mababaw lamang na dahilan ay bigla nalang pumapatay. Napahinga ako ng malalim at nag-unat-unat para sa research papers ko. Nag-umpisa na kasi ang klase ko kahapon at kung sinu-swerte ka nga naman, tambak agad ang mga homeworks, projects, at mga activity ko sa school. Well, okay narin yon dahil madalang kong makikita o makakasama si Gunner. At ang schedule ko pa ay 7AM to 7PM ng gabi. Kaya talagang gabi lang kami nagkakasama ni Gunner na ikinatutuwa ko naman dahil nakakaiwas ako sa init ng ulo nya. Hatid sundo rin ako ng driver nya at o