SPG Azariah's POV MALABO ang mga mata kong unti-unti kong minulat. Ilang beses akong napapikit bago tuluyang luminaw ang paningin ko. Bumungad sa akin ang isang malinis na kwarto. Babangon sana ako pero napatingin ako sa malaking braso na nakadantay sa tiyan ko. Nang lingunin ko ang nasa tabi ko ay napatitig ako sa mukha niya. Mahimbing ang tulog niya kaya't malaya kong napagmasdan ang gwapo niyang mukha. Hinawakan ko ang braso niya at maingat na inalis sa ibabaw ng tiyan ko. Maingat din ang bawat kilos ko sa pagbangon dahil ayokong masira ang mahimbing niyang tulog. Nang makaalis ako sa kama ay marahan ko siyang nilagyan ng kumot. Oo, natatandaan ko na ang lahat ng nangyari. Lahat-lahat na habang inaalala ko ay sumisikip ang dibdib ko. Pero ang ipinagtataka ko ay kung paano