Azariah's POV ISANG ARAW hanggang sa naging isang linggo. Ang isang linggo ay naging isang buwan hanggang sa naging dalawang buwan. Dalawang buwan nang hindi umuuwi si Gunner. Ni tawag ay wala, ni anino niya ay hindi ko nakikita. Simula nung may nangyari sa amin ay iniwan na niya ako rito na gulong-gulo ang utak. Tanging mga kawaksi at ilang bodyguards ang iniwan niyang makakasama ko rito sa mansion. Ni hindi ko matandaan kung paano niya akong nadala pabalik dito sa mansion. At kahit sino sa mga pinsan niya ay hindi ko rin nakikita. Bumaba ako sa malaking sala dahil naiinip na ako na laging nakakulong lamang sa kwarto. Pagbaba ko ay ang siyang pasok ni Kuya Jerry, siya ang kanang kamay ni Gunner sa pagkakatanda ko. Nakangiti ko siyang nilapitan pero nanatili ang kaseryosohan sa mg