Maayos na lahat ng gamit ko nang tawagin ako ng isa sa mga katulong ng Mondego para ipaalam na hinihintay na ako ni Gunner sa kanyang sasakyan. Ngayon ang balik namin ng Pilipinas matapos ang nangyari, dalawang araw na ang lumipas. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay ni 'ha ni 'ho ay hindi kami nag-iimikan na dalawa at napapansin iyon ng iba niyang pinsan na mga may kadaldalan rin. Nang makababa ako ay sinalubong ako ng kanyang mga magulang upang magpaalam. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at parehas ko silang binigyan ng yakap. "Mag-iingat kayo. Sana sa pagbalik nyo dito sa Russia ay dala nyo na ang apo namin." Halos mabilaukan ako sa narinig pero pinanatili kong nakangiti ang mga labi ko. I don't want to be rude infront of them. "We're in a hurry. See you soon." Humalik sa pisngi ng ka