Lunch na at nandito na kami ni Natalia sa cafeteria para kumain. Gutom narin ako dahil hindi ako nakakain kaninang umaga bago umalis ng bahay dahil nga nag-away kami ni Gunner. Nagtataka akong luminga sa paligid ko. Mula pagpasok ko ay napapansin ko ang mga tingin nila at bulungan. Hindi ko masabing masama ang tingin nila sakin kasi parang normal lang naman? Pero nakakailang kasi. "Nat, bakit nila ako tinitingnan? Kanina ko pa kasi napapansin. May mali ba sakin?" Sabi ko habang pinakikiramdaman ang paligid. "Duh! Paanong hindi ka nila mapapansin eh ikaw lang naman ang nag-iisang asawa ng isang Gunner Mondego. The top 1 billionaire in Asia." Napaawang ang labi ko sa narinig. Paano nilang nalaman? "How did they know? And you?" Naguguluhan kong tanong. "Ay bruha! Naka-live ang kasal niyo