Azariah Gadelle Galvado's POV NAPAHINTO ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang paghawak ng estrangherong lalaki sa balikat ko. Napaangat ako ng tingin sa kaniya habang puno ng luha ang mukha ko. Malungkot lamang siyang ngumiti sa akin bago ako sinenyasan na tumayo mula sa pagkaka-upo. "Wala na sila," sabi niya na nakapagpakilos sa akin. "Huwag kang gagawa ng ingay dahil baka marinig nila tayo at bumalik sila." Tumango lamang ako sa kaniya bago sumilip sa kinaroroonan ni Czarina. Impit akong umiiyak habang lumalabas sa pinagtataguan namin at tinatahak ang direksyon papunta kay Czarina. Sumisikip ang dibdib ko habang ang mga mata ko ay nakapako sa kaibigan kong nakahiga sa maruming lupa at hindi na kumikilos. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at halos mabaliw ako nang makit