WIN-WIN "Nasaan si Sidney? Akala ko ba, tulog?" tanong agad ni Amy pagpasok na pagpasok namin ng kwarto. "Baka kung ano na yung nangyari don ah! Baka nagpakamatay na din sya dahil hindi nya kinaya yung nangyari kani--" bigla namang bumukas yung pintuan ng C.R. at lumabas ang isang pupungas-pungas pang si Sidney. Natatawang binatukan ko naman si Amy. OA eh. Mga pinag-iiisip. Sigurado naman ako na hindi gagawin yon ni Sidney no! At malilinis namin yung pangalan nya sa lalong madaling panahon. "Sorry nga pala kanina, Amy ha. Hindi na kita pinagsalita kasi ayokong madamay pa kayo. Tingnan mo nga yung pinagsasabi ni Andrea kay Win-win diba?" nakangiti pero malungkot na sabi ni Sidney kaya agad ko syang sinide-hug. Nakakamiss yung makulit at masayahin naming kaibigan. After kasi nung nangyari