WIN-WIN "Kamusta na si Sidney?" nag-aalalang tanong sa akin ni Amy paglabas ko sa kwarto. Hinila ko muna sya palabas sa garden habang pilit pinapagulong yung wheelchair para walang makarinig sa kung ano man yung pag-uusapan namin. Feeling ko kasi talaga, may mali sa mga nangyari eh. At tulad ng sabi ko, hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung ano man yon. Nang makasiguradong walang ibang tao, saka lang ako nagsalita. "Pinatulog ko muna. Masyado syang nastress sa nangyari kanina. Hindi pa rin ata makapaniwala na totoong nangyari yon. Actually, kahit ako, hindi makapaniwala na nakapatay sya dahil dun sa inilagay nya sa cupcake na para kay Andrea dapat." nanghihinang sabi ko kay Amy. Nakakapanghina pala talaga na may makita kang namatay sa harap mo no? At, kahit hindi naman ka