K "Hello, Sidney. Magpaalam ka na ngayon." nakangising sabi ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. Pero mas lalo akong napangisi nang makita kong imbes na matakot, nagsmirk pa sa akin ang bruhang babae. Aba, matapang. Ganito yung gusto ko eh, yung palaban. Sige lang, ipakita mo kung hanggang saan yung tapang mong babae ka, dahil mamaya, siguradong mawawala ka na. At habang nakikipaglaban ako ng titigan sa babaeng nasa harap ko ngayon, bigla akong may narinig na nagpapapalatak kaya inis na tumingin ako sa kanya. "Luh. Alam mong may sapak ka sa utak, Lablab. Pero yung makipag-away ka sa sarili mo sa salamin, aba, iba na yan. Baliw na baliw ka na talaga, Katrina, or Sidney, or kung ano pa man yung gusto mong itawag namin sa'yo." narinig kong komento nya kaya inis na itinutok ko sa kanya yung