YSABELLE "Ate Kat, wait." napamulat naman ako nang marinig ko yung boses ni Jamie. Medyo nabuhayan ako ng loob na baka nagbago na yung isip n'ya at pinakinggan n'ya lahat ng paliwanag ko kanina. Hopeful na tumingin ako sa kanya, pero nakatingin lang s'ya sa kapatid n'ya habang inginunguso yung nakatali n'yang mga kamay. "Baka naman gusto mong kalagan ako para ako na lang yung tumapos kay Joanna." narinig kong sabi pa n'ya kaya dagling nawala yung mumunting pag-asa ko kanina. Akala ko, pwede pa. Akala ko, mababago pa ng mga paliwanag ko ang lahat. Pero siguro, nararapat lang 'to sa akin para mapagbayaran ko na rin yung mga nagawa namin ng ama ko sa pamilya nila. Malay natin, kapag napatay na nila ako at naipaghiganti yung mga magulang nila, baka makalimutan na nila lahat at mag bagong b