Chapter 45: Danger PAGKA-ALIS ni Eurydice at Aether ay nagpasiya naman si Rina na magbihis na para maghanda sa pag-alis niya habang maaga pa. Gusto kasing dalawin ni Rina sa hospital si Mr. Noah para kumustahin ang lagay nito lalo na't ilang linggo na rin ang nakalipas ng huli niya itong nakita at nakausap. Kaya naman gaya ng binilin ni Eurydice kay Rina ay kinausap ni Rina ang isa sa mga katulong nila sa mansyon para samahan siya sa pagpunta sa hospital at saka kinausap ang driver na maghahatid sa kanya sa hospital. Habang nasa byahe ay naisip niyang magbigay ng pasalubong para sa matanda kaya naman ng makita ni Rina ang isang cake shop ay agad niyang pinahinto ang sasakyan. At dahil nasa tawid ang bake shop ay nagpasiya na lang tumawid si Rina at saka niya iniwan ang katulong na kas