Chapter 44: Confession DAHIL sa nangyari kahapon ay walang naging shooting sila Eurydice at Rina ngayong araw. Kaya naman ng ayain si Eurydice ng asawa niya kagabi na lumabas sila ngayong araw ay kaagad siyang pumayag. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas simula ng huli silang lumabas mag-asawa kaya ng marinig niya ang pag-aya ni Aether sa kanya kagabi ay hindi niya mapigilang itago ang saya niya. Natapos na kasi si Aether magbihis kaya naman kasalukuyang hinihintay ng lalaki si Eurydice sa may garahe. Papalabas na rin sana si Eurydice ng mga sandaling iyon ng makita niya si Rina na nagbabasa ng magazine sa sala. "Rina, aalis nga pala kami ngayon ng asawa ko. Kaya kung may gusto kang puntahan ay pwede ka rin umalis ng bahay pero isama mo lang ang isa sa mga katulong para may chapero