Chapter 43: Controversy "MR. CASTILLO, wala ba kayong magagawa para hindi ako matanggal sa movie?" nagmamakaawang tanong ni Elisa kay Aether. Maaga pa lang kasi ay nasa agency na sila ni Joaquin at naghihintay. Ito na lang kasi ang tanging paraan na naisip nila para mapanatili ang career ni Elisa sa movie. "I'll see what I can do. Also, I can't promise that I can change the director's mind because if he decides to fire you, it will depends on whether I can solve it." Aether answered the woman seriously. "A-anong ibig mong sabihin? Hindi ako maaaring matanggal sa movie! Hindi mo na nga ako magawang bigyan ng project na ako ang bida tapos tatanggalan mo pa ako ng project ngayon?" inis na sabi naman ni Elisa. "Tama si Elisa, Mr. Castillo. Artist n'yo rin siya sa agency na 'to pero ba