(Alistaire) I HAVE a ten o’clock meeting with a client this morning. Bihis na agad ako sa alas ocho ng umaga. Inihahanda ko ang mga kakailanganing papeles nang tumunog ang door bell sa condo unit ko. I wonder who could be my visitor this early. Iniwan ko ang pag-aayos ng ilang dokumento. Tinungo ko ang pinto at binuksan, nasorpresa sa taong aking nabungaran. “Pa? What are you doing here?” “Son, good morning!” bati ng aking ama at nangunot ang noo nang pagmasdan ako. “May lakad ka?” Hindi ko muna siya sinagot. Niluwangan ko ang bukas ng pinto at pinapasok siya. I gestured him to sit down. Tinungo ko naman ang bar at nagsalin ng kape sa dalawang tasa. Narinig ko si Papa mula sa kinauupuan nito. “Mukhang mas komportableng gumalaw dito sa bago mong condo, Ali.” “Yes, 'Pa. This unit is