ILANG sandali akong natigilan bago nagbaba ng tingin. Nilabanan ko ang mga emosyon na gustong umalpas sa dibdib ko sa sandaling ‘yon. “L-lalabas na’ko. Padaanin mo'ko.” "Nag-uusap pa tayo, Solde." "Ali, please? Palabasin mo na'ko, hahanapin ako ng nanay ko." Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naramdaman ang pagkilos ni Alistaire. Umalis siya sa daraanan ko. Nagmamadali na akong lumabas. Habang pabalik sa VIP room ay panay ang hugot ko ng hangin. I need to calm myself. He called me his stepsister. I will be Alistaire's stepsister. Kaulayaw niya noon sa kama magiging kapatid niya? Mandidiri ba ako o matatawa? Naabutan kong naglalambingan sina Don Benedicto at ang nanay ko nang pumasok ako. Nilingon nila ako at ningitian. “Hija, natagalan ka yata? Nagkita ba kayo ni Ali? Sinunda