KABANATA 57 - Alonzo and Alfonso

2530 Words

“WALANG masama kung magtanong ka, Solde. Malay mo, ‘yan na pala ang sagot sa matagal mo nang hinahanap.” Napatingin ako kay Mariza - ang anak ng grocery store na pinaglilingkuran ko dito sa Maynila at naging kaibigan ko. Mula sa Agusan del Norte kung saan ako unang nagtungo pag-alis ko ng Bukidnon ay napadpad naman ako sa isang bayan sa Bohol. Doon ko nakilala ang aking amo na si Ma’am Violeta, ang nanay ni Mariza. Taga-Bohol talaga si Ma’am Violeta at bumisita lang sa mga kamag-anak. Sa araw na iyon ay pabalik na siya ng Maynila. Nalaman niyang galing pa ako ng Mindanao at naghahanap ng mapapasukang trabaho. Inalok niya agad akong maging tindera sa groserya niya sa Maynila. Maliit lang ang sahod na bigay niya sa isandaan at limampung piso pero, dahil mas importante sa akin ang magka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD