TATLONG araw bago ang kasal namin ni Alistaire ay dumating sa Maynila sina Manay Odette, Danna at Kuya Hector. Hindi ko napigilang yakapin sila isa-isa lalo na sina Manay Odette at Danna na naging pamilya ko na sa sandaling panahon ng pagtira ko sa mansion ng mga Aguilar sa Bukidnon. Sama-sama kaming nananghalian sa bahay ni Don Benedicto. Isang linggo din kaming tumigil na mag-iina sa condo unit ni Alistaire bago kami bumalik dito para sa preparasyon ng kasal. Dito na kasi sa malawak na bakuran ng bahay ni Don Benedicto namin napiling magdaos ng garden wedding. Ilang tao lang ang imbitado at pili lang ang aming mga bisita. Pareho kami ni Alistaire ng idea sa aming magiging kasal - simple, private and intimate. “Mga little senyorito! Day, pagkagwapo ng mga anak mo!” masayang sambit ni