ISANG linggo pagkatapos ng aming kasal ay umuwi kaming mag-anak sa Laguna. Tuwang-tuwa si Jowell dahil araw-araw na ulit nitong makikita ang mga pamangkin. Sina Manay Odette, Danna at Kuya Hector ay bumalik na rin sa Bukidnon. Nauna lang sila ng isang araw kina Don Benedicto at sa dalawang alalay nito. Si Nanay ay naiwan sa townhouse niya pero, may plano na rin siyang sumunod kay Don Benedicto. “Paano pala ang kompaniya ni Don Benedicto, Ali? Siya na ba ulit ang mamamahala?” Tiningnan ako ni Alistaire at hindi agad sinagot. “Hindi mo ba matawag na Papa ang tatay ko? Sinabihan ka na niya, ‘di ba?” “Ang hirap kasing sanayin. So… ano nga? Anong usapan ninyo ni Papa tungkol sa real estate company?” “Magtutulungan muna kami habang hindi ko pa naitatayo ulit ang pangalan ko.” Maliit na n