ALAS nueve na ng gabi nang umalis ako sa townhouse ni Nanay. Doon kami tumigil at nag-usap nang masinsinan. Hindi ko na kinaya ang dalahin ko sa dibdib. Ipinagtapat ko kay Nanay kung sino ang ama ng kambal ko at gaya ng aking inaasahan ay sobra siyang nagulat. Ikinuwento ko sa kaniya kung paano nagsimula ang lahat. Wala akong hindi sinabi kay Nanay - mula sa pagiging scholar ko hanggang sa nagkaroon ako ng relasyon sa aking benefactor. Maging ang pagtulong ni Alistaire sa pagpapagamot ni Kuya Sandro ay sinabi ko rin. Gayundin ang pagsagip nito sa akin mula sa pagmamaltrato ni Tatay. Hindi ko rin nakayanan ang pag-iyak ng nanay ko. Masakit na sariwain ang masasakit na pinagdaanan ko pero, nang ang nanay ko na ang nasaktan at umiyak para sa akin ay parang gusto kong bawiin lahat ng mg