(Ysolde) TUMALIM ang tingin ko kay Fred. “Alam ko na ‘yan, Fred. Alam ko dahil tanda ko ang hitsura ng laptop ni Gandara at ng flashdrive na ipinabenta mo sa kaniya! Ikaw ang nanloob noon sa shop niya!” Humalakhak si Fred, senyales na hindi niya ikinagulat o ikinatakot na alam ko ang tungkol doon. “’Insan, hindi ang panloloob ko sa opisina ni Gandara ang tinutukoy ko,” tatawa-tawang sabi niya at saka tumayo. Iwinagayway niya sa akin ang flashdrive na hawak niya. “Alam mo ba kung ano ang laman nito, Solde?” Napaisip ako. Binanggit ni Fred noon na porn ang laman ng flashdrive. Napatingin ako sa kaniya pero, hindi ako sumagot. Ngumisi siya. “Alam mo ba kung sino ang naririto? Gusto mong mapanood?” Napalunok ako. Sinasalakay ako ng kakaibang kaba. “A-anong meron diyan? Sabihin mo, F