(Alistaire) KINABUKASAN ay inihatid ko ulit si Solde pagpasok niya sa school. Binigyan ko siya nang mainit na halik bago ko siya pinakawalan. Pagbaba niya ay nilingon pa niya ako at matipid na ngumiti sa akin. Tumango lang ako at pinanood siyang matamlay na lumakad papasok ng gate. Hindi ako agad umalis pagpasok ni Solde. Nagmanman muna ako nang ilang minuto. Hindi rin nagtagal at nakita kong naglalakad papasok ng gate ang kaklase niyang laging humaharang sa kaniya. Hindi na ako nagsayang oras. Bumaba agad ako at nilapitan ang lalake. Naagaw ko agad ang pansin niya. Napahinto siya at tumingin sa akin. “B-bakit, bossing?” Nahimigan ko ang takot sa boses niya. Mukhang totoy pa nga ang isang ito. Matangkad lang pero, payat, madaling balian ng buto. “Kakausapin lang kita sandali