ILANG araw pa ang matulin na lumipas. Halos hindi na ako makatulog at makakain nang ayos dahil sa pag-aalalang kakalat ang video na hawak ni Fred. Madalas akong mapuna ni Sir Ali pero, patuloy ako sa pagtanggi at ang lagi kong dahilan ay tungkol sa mga requirements namin ngayong sem. May oras naman na gusto ko nang sabihin iyon kay Sir Ali pero, sa tuwing susubukan ko ay lumulutang ang napakaraming tanong at agad-agam sa isip ko. Maniwala kaya si Sir Ali na may ganoon siyang klaseng video? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya kung paano ko natuklasan ang tungkol doon? Paano kung itanggi iyon ni Fred? O kaya naman ay gamitin ni Fred ang pagkakataon para pati si Sir Ali ay kikilan din niya nang mas malaki pang pera? At paano kung hindi naman pala iisa ang kopya at patuloy niyang gamitin i