KABANATA 38

2110 Words

“VINCE.” Ngumiti siya sa akin. Pagkatapos ay nilingon niya si Fred at nagpasalamat dito. Iginala ko sandali ang tingin ko sa malaking opisina. Hindi ko alam na may sariling opisina rito si Vince. “You can leave your cousin here.” Napabalik ang tingin ko sa kanila. “B-bakit pinaaalis mo na si Fred? Mag-uusap pa tayo,’di ba?” “Tapos na kaming mag-usap ng pinsan mo, Solde. Fred, makakaalis ka na.” “Sige, Sir Vince! Salamat!” excited na sabi ni Fred bago ako binalingan. Bumulong siya sa akin. “Pasalamat ka at mukha lang akong pera kundi nakabalandra na ang eskandalo ni Alistaire.” Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon sa sinabi niya. “Sige, Sir! Hindi naman siguro matagal ang pag-uusapan n’yo nitong pinsan ko.” “Mabilis lang kami, Fred. Don’t worry.” Kinakabahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD