SINALUBONG ko si Sir Ali pagdating niya. Pagpasok pa lang ng pinto ay niyakap ko na siya. “Dinner is ready. Kain na tayo?” “Later. Nagpunta kasi ako kanina sa site. Maliligo muna ako at magpapalit ng damit.” Napakunot ang noo ko. Nahalata ko kasi ang tensiyon kay Sir Ali. “Okay ka lang ba? Bakit parang kinakabahan ka?” Marahan siyang tumawa. Kinabig niya ako at pinatakan ng halik sa noo. “Okay lang. Akyat na muna ako. I’ll be quick.” Kumindat pa siya. “Sige. Hintayin kita.” Bumalik ako sa dining at tiningnan ulit ang mesa. May mga tubig na ang mga baso. Complete balanced diet ang nasa hapag. Sixty percent ng nakahain ay mga gulay. Binabawasan ko talaga ang konsumo ng karne at iba pang meat products ni Sir Ali. Mabuti at hindi naman nagrereklamo. Wala raw problema kung iyon ang g