3 YEARS LATER… NAGULANTANG ako sa pagbagsak ng isang folder sa ibabaw ng table ko. Kunot-noo kong tiningnan iyon bago nagtaas ng tingin sa dumating. “What’s this?” takang-tanong ko kay Jowell sabay dampot sa folder. “Gaya ng sabi ko sa’yo noong nakaraan. I hired someone to find your long lost mom. Akalain mo bang nasa Maynila lang siya?” “H-ha?” Binuksan ko ang folder at inilabas ang mga dokumentong nasa loob. May kasamang ilang larawan ang mga papel. Tiningnan ko agad ang mga pictures. “That’s your mother! Menchu de Ramos.” Pinagmasdan ko isa-isa ang mga pictures. All of them were stolen shots. “Ilang taon na siyang nasa Maynila? I was there almost three years ago.” “Wala pang isang taon, baby girl. Ang totoo, kababalik lang niya galing sa ibang bansa. And she just started