"Bakit ganyan ka na naman makatitig sa akin?" tanong ko kay Gabriel dahil heto na naman siya. Ayaw niyang umalis sa tabi ko kahit naghahanda na ang mga Doctor sa paligid namin. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa hospital dito lang din sa London para na nga sa plastic surgery ko. At ilang sandali na nga lang ay sasalang na ako sa operasyon sa mukha ko. Ngunit itong britanyong ito ay hindi pa rin mawalay-walay ang mga mata sa katititig sa akin na parang sobrang in-love siya sa akin kahit ganito ang hitsura ko. "Nothing. I just want you to know that no matter what you look like...my love for you will never change." Kinuha niya ang kamay ko at hinalik-halikan bago niya mainit ding inangkin ang aking mga labi. Wala siyang pakialam kahit sino pa ang nasa paligid namin at pinanonood kami s